Paano sumunod sa ordinansa ng San Francisco para sa kagamitang pang-landscaping upang mapabuti ang kalusugan ng komunidad.
Noong Oktubre 2022, ipinasa ng San Francisco ang Batas para sa Mas Malusog, Mas Malinis, Mas Tahimik na mga Komunidad (Healthier, Cleaner, Quieter Communities Act). Ipinagbabawal ng Ordinansa sa mga departamento ng Lungsod at mga kumpanya na kanilang kinontrata ang pag gamit ng mga kagamitang pang-landscaping na pina-aandar ng gas. Ang Ordinansang ito ay para rin sa mga nagmamayari ng mga gusali, nagmamayari o namamahala ng negosyo, at pang-publiko simula sa Enero 1, 2026.
Mga insentibo para sa mga kagamitan ng propesyonal na landscaper
Kamakailan lamang ay naglunsad ng Bay Area Air District ng isang Pilot Program para sa Pagpapalit ng Komersyal na Electric Lawn and Garden Equipment. Sa programang ito, maaaring mag-apply ang mga komersyal na operator ng voucher na nagkakahalaga ng $700 hanggang $15,000 para sa bawat kagamitan upang mapalitan ng de-kuryenteng kagamitan. Ang mga negosyong nasa San Francisco ay makikita sa isa sa mga zip code sa ibaba upang gamitin sa programang ito:
- 94107
- 94110
- 94124
- 94134
Makakahanap ng karagdagang impormasyon sa webpage ng Air District.
Mga Madalas Itanong
Nasa ibaba ang mga sagot sa ilang karaniwang tanong tungkol sa bagong ordinansa.
Bakit ipinagbabawal ang kagamitang pang-landscaping na pina-aandar ng gas?
Ang kagamitang pang-landscaping na pina-aandar ng gas ay nagbubuga ng mapanganib na polusyon at nakakapinsala sa ating kapaligiran at kalusugan. Ipinagbabawal ng Ordinansa ang pag gamit ng kagamitang pang-landscaping na pina-aandar ng gas sa mga departamento ng Lungsod at mga kumpanya na kanilang kinontrata. Ang Ordinansang ito ay para rin sa mga nagmamayari ng mga gusali, nagmamayari o namamahala ng negosyo, at pang-publiko simula sa Enero 1, 2026.
Kalusugan ng tao
Ang mga emisyon mula sa kagamitang pang-landscaping na pina-aandar ng gas, kabilang ang maliliit na particulate, carbon monoxide, at mga masamang organic compound, ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan para sa publiko at mga operator ng kagamitan. Ang patuloy na pagkaka-expose sa mga emisyong ito ay maaring makadagdag sa panganib ng kanser at magkaroon ng masamang epekto sa iyong paghinga at sa iyong puso.
Ang mga kagamitang ito ay nagdudulot ng matinding ingay. Minsan ito ay mas mataas pa sa antas ng panlabas na ingay na rekomendado ng World Health Organization. Ang malalakas at matitinding ingay ay maaring konektado sa mga seryosong problema ng kalusugan tulad ng pagkawala ng pandinig at problema sa puso.
Kalusugang pangkapaligiran
Ang 2026 Climate Action Plan ng San Francisco ay nagtakda ng net-zero na emisyon sa taong 2040 dahil sa matinding pangangailangan na maiwasan ang pagbabago ng klima. Sinusuportahan ng Ordinansa ang layunin na ito. Sa halimbawa, ang polusyon na nagmumula sa leaf blower na pinapaandar ng gas sa isang oras ay katumbas ng polusyon na nagmumula sa internal combustion engine na sasakyan na bumiyahe ng 1,100 milya - humigit-kumulang na distansiya sa pagitan ng San Francisco at Santa Fe.
Ang mga emisyon na nagmumula sa kagamitang pang-landscaping na pinaaandar ng gas ay nakakasira din sa kalusugan ng agrikultura at maaring makabawas ng bilang at kalidad ng mga pagkaing nanggagaling sa mga halaman. Ang mga pollutant na ito ay maaari ding makasira sa kalusugan ng lupa at maapektuhan ang paglago ng mga halaman.
Para kanino ang Ordinansang ito?
- Mga propesyonal na landscaper: Paggamit nang kagamitan na de-kuryente o de-baterya simula Enero 1, 2026.
- Mga May-ari, Namamahala, at Umuupa ng gusali: Umarkila man kayo ng mga propesyonal na landscaper o magsagawa ng inyong sariling landscaping na gawain, tiyaking ang kagamitan na pinaaandar ng gas ay hindi na gagamitin simula Enero 1, 2026.
- Mga departamento ng Lungsod at kontratista: Ipinagbabawal ang paggamit ng kagamitang pinapa-andar ng gas simula Hulyo 1, 2024
Pagsunod sa Ordinansa
Ipinagbabawal na kagamitan
Ipinagbabawal ng Ordinansang ito ang paggamit ng kagamitang pang-landscaping na pinaandar ng gas, lalo na ang mga "small off-road engines" (SOREs). Ang mga kagamitang ito ay may mga makinang "spark-ignition" na may 25 horsepower o mas mababa. Kabilang dito ang mga kagamitang pang-lawn and garden tulad ng mga leaf blower, trimmer, at mower.
Kapalit na kagamitan
Ang mga kagamitang zero-emission ay tiyak na mahahanap sa mga tindahan ng suplay para sa lawn at garden sa buong California. Inuutos din ng California Air Resources Board (CARB) na lahat ng bagong kagamitan para lawn at garden na nakatalaga sa SORE ay dapat zero-emission para sa mga modelo ng 2026 at mga sumusunod na taon.
Pagtatapon ng kagamitan na pinaaandar ng gas
Ang Recology ay may libreng programa na kumokolekta ng mga malalaking bagay, tulad ng mga kagamitan para sa lawn at garden. Kung merong natitirang gasolina o langis sa loob ng tangke, ito ay kailangang ihiwalay at itapon bilang mapanganib na basura ng sambahayan. Tumawag sa Recology sa (415) 330-1300 para mag-iskedyul ng isang Bulky Item Pickup at/o Household Hazardous Waste pick-up, o dalhin ang mga bagay sa Household Hazardous Waste Facility ng Recology.
Karagdagang impormasyon sa pagkolekta ng malalaking kagamitan ay makukuha dito.
Ang mga negosyo ay maaring makagamit ng mababang halaga na programa mula sa Lungsod sa pagtatapon ng mapanganib na basura na tinatawag na Very Small Quantity Generator Program. Para mag-iskedyul ng appointment, kontakin ang Recology sa (415) 330-1425. I-klik dito para makakuha ng impormasyon tungkol sa pagtatapon ng mapanganib na basura.
Mapagkukunan ng Impormasyon
Alamin pa ang tungkol sa mga kagamitang pang-landscaping na walang emisyon at mga kaugnay na programa sa pamamagitan ng mga mapagkukunan sa ibaba. Naglalaman ang mga link na ito ng detalyadong impormasyon mula sa California Air Resources Board.
California Air Resources Board