Interesado ba kayong makatanggap ng libreng on-site na teknikal na tulong kung saan makakatipid kayo ng pera at makakatulong kayo sa planeta?

Magrehistro sa California Green Business Network

Narito ang mga hakbang sa proseso:

  1. Magrehistro sa GreenBusinessCA.org.
  2. Piliin ang antas ng pagkilala kung saan ninyo gustong magsimula – Efficiency, Certified, o Innovator.
  3. Isumite ang nasagutang checklist bago bisitahin ang site.
  4. Mag-iskedyul ng konsultasyon sa telepono sa isang miyembro ng staff ng Green Business.
  5. Magtakda ng pagbisita sa site para beripikahing natutugunan ang mga pamantayan ng San Francisco Green Business.
  6. Tanggapin ang inyong pagkilala bilang San Francisco Green Business at panatilihin ang inyong mga makakalikasang ginagawa.

Mga Pamantayan ng Programa

Para makilala bilang isang San Francisco Green Business, natutugunan dapat ng mga aplikante ang mga pamantayan sa programa at nakakasunod dapat sila sa lahat ng naaangkop na pangkapaligirang regulasyon.

Ang mga pamantayan sa programa ng SF Green Business ay binuo ng staff ng programa sa tulong ng mga eksperto sa industriya, mga kumpanya ng utility, mga propesyonal sa pag-iwas sa polusyon, mga inspektor mula sa Lungsod, at mga asosasyon sa kalakalan. Kasama sa mga pamantayan ng San Francisco Green Business ang mga hinihingi ng lokal na ordinansa at mga pangkapaligirang serbisyong nakalaan sa mga negosyo sa Lungsod.

Kapag handa na kayong simulan ang proseso ng Green Business, magrehistro sa www.GreenBusinessCa.org.

Kung sa kasalukuyan ay hindi natutugunan ng inyong negosyo ang aming mga pamantayan sa sustainability, tutulungan kayo ng aming Green Business team na makumpleto ang mga hakbang sa pamamagitan ng pag-uugnay sa inyo sa mga libreng tulong at rebate ng Lungsod. Para tingnan ang mga batayang pangkapaligirang regulasyon ng Lungsod na dapat ninyong matugunan, pakitingnan ang naaangkop na gabay sa pagsunod na ibinigay ng San Francisco Department of Public Health.

Pakitingnan ang aming seksyong Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions o FAQ) para sa higit pang detalye tungkol sa proseso ng pag-apply para sa pagkilala.

 

Related content

Chef's prep table using reusable plates

Frequently asked questions (FAQs) about SF Green Businesses

Business owner leans outside of entry door and points to "Green Business" decal sticker displayed in window

Become a San Francisco Green Business

SF Green Business owner

SF Green Business Benefits of Recognition

SF Green Business Program

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-apply, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Green Business team sa (415) 355-3778 o environment@sfgov.org.